Matapos maiwanan sa bidding ng 21st Asian Games 2030, nakamasid na lang si Philippine Olympic Committee (POC) president at Cavite 8th District Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa interes na mag-host ang bansa sa 7th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) 2025.
Pinahayag ito ni Tolentino ay matapos mabigo ang POC na makapagsumite ng intensiyon at pormal na bid para sa 2030 Asiad hosting bago sumapit ang deadline noong Abril 22.
“Sa totoo lang, mabigat yung Asian Games. Merong smaller version ng ganung kalaki, ‘yung Asian Indoor and Martial Arts Games and also the Asian Beach Games,” ani Tolentino sa unang edisyon ngayong taon via online ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes.
Inihayag ng Olympic Council of Asia (OCA) ang magkarial na Doha-Qatar at Riyadh-Saudi Arabia bilang mga kandidatong bansa sa pag-host ng 2030 quadrennial sportsfest. Ihahayag ang winning host city sa darating na Nobyembre 29.
Si OCA vice president Wei Jizhong ng China ang nagturo sa ‘Pinas na mag-bid sa 2030 Asiad habang isinasagawa sa bansa ang 30th Southeast Asian Games 2019 noong Disyembre.
Pinanapos ni Tolentino na siya ring pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling, na nakatakda ring makigpulong ang POC sa mga national sports association (NSA) kung magpapadala ng mga atleta sa 6th Asian Beach Games 2020 sa Sanya, China sa Nobyembre 26-Disyembre 5.
Gayundin sa 6th AIMAG sa Mayo 21-30, 2021 sa Pattaya, Bangkok at Pattaya sa Thailand. (Lito Oredo)