2030 Asiad host nais ng ‘Pinas

Hangad ng Pilipinas na ­maging host ng kada apat na taong Asian Games sa 2030.

Ito inihayag ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman Alan Peter Cayetano 30th Southeast Asian Games PH 2019 closing ceremony nitong Miyerkoles sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

“We were able to pushed through with the SEA Games in 18 months,” aniya. “Kung papalarin ng Diyos na ibigay sa atin ang Asian Games 2030, mayroon pa tayong 11 taon para makapaghanda.”

Una munang isasagawa sa bansa ang kapatid ng SEA Games na 10th ASEAN Para Games PH 2020 sa darating na Enero 18-25 bago sasabak ang mga Pilipino sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Magsisilbi ding punong abala na host ang bansa sa ilang mala­laking torneo tulad ng Asian Swimming Championships sa sunod na taon bago sa NCC Athletics Center at FIBA Qualif­ying events bago ang tampok na pagho-host ng 19th FIBA World Cup 2023.

Ipinagmalaki ng House Speaker ang pagiging handa ng bansa sa iba’t ibang kaganapan bago hinikayat ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na maging prayoridad ang sports para ­mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“Tutulungan tayo ng ­Senado. Nariyan din ang Kongreso. Naririyan din ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ang lahat ng pagkakataon na makasali sa sports upang makaiwas sa droga at malasap ng lahat ang mapayapa at magandang paumumuhay,” litanya n iya.

Huling ginanap ang 18th Asian Games 2018 ang Jakarta at Palembang sa Indonesia. Ang una at tanging pagdaraos ng Asiad sa bansa ay ang ikalawang edisyon nitong 1954 sa Maynila.

Isasagawa ang 19th Asiad sa Hangzhou, Zhejiang, China sa Setyembre 10-25, 2023 habang ang 20th Asiad sa Nagoya, ­Japan sa 2027. (Lito Oredo)