209 bagong kaso ng Covid

Nadagdagan pa ng 209 bagong kaso ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019(COVID19) sa bansa base sa pinakahuling report kahapon.

Sa inilabas na Department of Health COVID19 Bulletin No.35 , umabot na sa 6,087 ang kumpirmadong COVID 19 positive.

Binigyan ng pagkakilanlan na PH 5879- PH 6087 ang mga bagong COVID19 positive.

Habang nadagdagan rin ng 10 ang bilang ng mga namatay dahil sa karamdaman, at umakyat na sa kabuuang 397.

Samantala, umakyat na rin sa 516 ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa virus matapos na makapagtala pa ng panibagong 29 kaso ng mga nakarekober na pasyente.(Juliet de Loza-Cudia)