Patay ang apat na sundalo habang 17 ang nasugatan matapos makipagbakbakan sa grupo ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin John Encinas, naganap ang engkwentro nitong Biyernes matapos makasagupa ng 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army ang tinatayang 40 miyembro ng Abu Sayyaf.

Samantala, batay sa intel report ng militar, dalawang miyembro sa panig ng Abu Sayyaf ang nasawi sa engkuwentro.

Umabot din ng 40-minuto ang labanan, ayon kay Encinas, bago tuluyang tumakas ang mga bandido.