Tukoy na ng Hilongos, Leyte Police ang 21 suspek na responsable sa pagpapasabog sa plaza malapit sa Hilongos Municipal Hall sa Leyte.
Ayon kay Supt. Franco Simborio, hepe ng Leyte Police Provincial Police Office, isinasailalim na nila sa interogasyon ang mga suspek kabilang ang ilang menor-de-edad.
Isa ang isyu sa paghihiganti ang kabilang sa tinitingnang anggulo sa pagpapasabog matapos na mahuli ang isang mga drug lord sa bayan ng Hilongos, Leyte.
Sa ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas ang mahigit 30 biktima na pawang tinamaan ng shrapnels sa katawan na ilan dito ay dinala sa Baybay District Hospital, samantalang ang iba ay dinala sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC).