Umabot sa 211 katao, kabilang ang ilang menor de edad ang inaresto ng mga pulis sa Cavite dahil sa pagiging pasaway sa enhanced community quarantine sa nakalipas na 24 oras.
Bata sa datos ng Cavite Police Provincial Office, nanguna sa may pinakamaraming nahuli ang Gen. Trias City kung saan umabot sa 82 katao ang dinampot, sumunod ang Naic na may 47, pangatlo ang Bacoor City na 41 ang inaresto, 20 sa Silang, walo sa Trece Martires City, anim sa Dasmarinas City, apat sa Indang, tatlo sa Tanza, at tig-isa sa Carmona at Tagaytay.
Isinagawa ang pag-aresto bilang pagtalim sa ipinatutupad na enhanced community quarantine hindi lamang sa lalawigan ng Cavite kundi buong Luzon.
Kabilang sa mga inaresto ay dahil sa paglabag sa curfew at pag-inom ng alak. (Gene Adsuara)