214 pulis nahawa ng COVID

Nadagdagan ng 10 ang pulis na nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaya naman lumobo sa 214 ang kabuuang bilang ng ng kaso sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa bilang na ito, may 144 umano ang aktibong kaso na nangangahulugan na sumasailalim pa rin sila sa mahigpit na health monitoring. Nananatili umanoa ng 94 na pasyente sa iba’t ibang quarantine facility, 7 ang ginagamot sa mga ospital, habang 43 ang naka-home quarantine.

Samantala, nananatili naman sa 66 ang gumaling sa COVID-19 sa hanay ng PNP, habang 4 ang nasawi.

Binabantayan umano ng PNP sa kanilang hanay ang mga probable case na naghihintay na lang ng laboratory result, at mga suspect case na hindi pa sumasailalim sa testing.