RIO DE JANEIRO (AP) — Nakatayo sa tuktok ng medal podium sa pang-23 pagkakataon, naluha si Michael Phelps, napakagat-labi at napatango.
Ganito ang gusto niyang finale. Sa tuktok ng kanyang laro sa tubig. Kuntento na siya malayo sa pool.
“It turned out pretty cool,” ani Phelps, isa pang gold medal sa leer. “It’s just a perfect way to finish.”
Sa butterfly leg ng 4×100-meter relay, inagaw ni Phelps ang trangko para sa Unidet States at hindi na bumitaw ang team para ibigay sa most decorated athlete ng Olympics history ang 23rd career gold medal Sabado ng gabi.
Tapos na raw si Phelps sa swimming, pero mag-iiwan siya ng bakas na mahirap nang pantayan. Walang Olympian na may mas marami sa nine gold medals na tinuhog.
Sa 28 medals overall, 10 medalya si Phelps sa unahan ng pinakamalapit na kabuntot.
“It’s not even once in a generation,” lahad ng kanyang coach na si Bob Bowman. “It might be once in 10 generations that someone like Michael Phelps comes along.”
Sabay ng pagtapik ni Nathan Adrian sa wall para tapusin ang panalo, niyakap ni Phelps ang iba pang relay swimmers na sina Ryan Murphy at Cody Miller.
Isang gabi matapos ang nag-iisang setback niya sa games — ang upset loss kay Joseph Schooling ng Singapore sa 100 fly — balik sa tuktok si Phelps.
Sa edad 31, aalis siya ng Rio na may 5 gold at 1 silver.
Sa stands, sumabay ng talon sa tugtugan ang fiancée niyang si Nicole Johnson habang karga ang 3-month-old baby nilang si Boomer. Matututukan na ni Phelps ang mag-ina. Plano niyang pakasalan si Johnson pagkatapos ng Olympics, at gusto niyang makitang lumalaki ang anak.
Sa victory stroll sa palibot ng pool, kinuha ni Phelps at teammates ang sign na may nakasulat, “Thank You Rio.”
Nag-dive si Phelps sa pool na nasa second place. Pero hindi siya nagtagal sa puwesto.
Sa return lap, umariba sa tubig si Phelps sa likod ng humahagibis na kampay, nilagpasan ang nasa unahan na si James Guy ng Britain para ipasa ang lead kay Adrian.
Wala nang duda pagkatapos niyon. Kumalas si Adrian sa freestyle para manalo sa Olympic-record time na 3 minutes, 27.95 seconds. Kumapit sa silver ang Britain, bronze sa Australia.
Sa huling pagkakataon ay lumabas ng arena si Phelps hawak ang American flag na iniabot ng ina mula sa front-row seat, katabi si Johnson at si Boomer. May gold medal sa leeg.