24 oras curfew sa Sta. Rosa City

Sinimulan nang ipatupad ang 24 oras na curfew sa Sta. Rosa City sa Laguna dahil sa pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay nasa anim katao na.

Sa pahayag ni Mayor Arlene Arcillas, tanging ang mga may hawak ng home quarantine pass ang maaaring lumabas para bumili ng gamot at pagkain, magtungo sa bangko at kumuha ng mga padala sa mga remittance center.

Ang mga frontliner at iba pang essential worker naman ay hindi sakop ng curfew dahil sa kailangan ang kanilang serbisyo.

Sa kasalukuyan ang lalawigan ng Laguna ay may walo nang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Anim dito ay mula sa Sta. Rosa City habang tig-isang kaso naman ang naitala sa BiƱan at Cabuyao.(Armida Rico)