24 oras monitoring sa Taal: 153 lindol naitala

Nakapagtala ng 153 pagyanig mula sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras na monitoring, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Linggo ng umaga.

Sa kanilang bulletin alas-otso ng umaga nitong Linggo, sinabi ng Phivolcs na pahiwatig ang mga naitalang volcanic earthquake na may nagaganap na magmatic activity sa Bulkang Taal na posibleng humantong sa pagsabog ng main crater nito.

Patuloy din umano ang pagbuga ng abo ng bulkan at nasa average umano na 97 tonelada kada araw ang lumalabas na asupre nito. (PNA)