Iniutos na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa mga kontraktor ang 24/7 na pagtatrabaho sa mga major infrastracture projects lalo na sa Metro Manila.

Sa kanyang pagharap sa House committee on appropriation para idepensa ang P445.66 bilyong pondo ng kanyang ahensya sa susunod na taon o sa 2017 na mas mataas ng 16% sa P384.287 bilyon ngayong 2016, nais nito na matapos agad ang mga proyektong naiwan ng dating administrasyon.

Samantala, lumabas sa pagdinig ng budget ng ahensya ni Villar na umaabot sa P300 bil­yon ang pondong hindi naga­gamit mula 2014 hanggang 2015 na nakalaan sa Disbursement Acce­leration Program (DAP).

Sa briefing paper ng DPWH, P122.6 bilyon ang hindi nagamit noong 2014; P116.2 bilyon noong 2015 na DAP funds matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutio­nal ang nasabing programa.

Maliban dito, mayroon pa umanong P81.5 bilyon na pondong hindi nagamit ng nakaraang administrasyong ngayong taon kaya umaabot sa mahigit P300 bilyon ang nakatengga sa DPWH.