Wala pang opisyal na listahan ang Malacañang patungkol sa mga bubuo sa isinusulong na Consultative Committee (ConCom) na rerebisa sa 1987 Constitution.

Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesperson Ernie Abella patungkol sa isyu ng isinusulong na pagbabago ng Konstitusyon.

“As of this moment there is still no officially ­approved list of names for the 25-member Committee,” pagbibigay-linaw ni Abella.

Gayunpaman ay mayroon aniyang nakahandang listahan ng mga nominado si Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi pa natatanggap ng mga ito.

Ang bubuuing komite ang maglulunsad ng inaasahang proseso tungo sa makahulugan, at national transformation.