Bagama’t opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysi­cal and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panahon ng tag-ulan ay isang sunog pa rin ang tumupok sa 25 kabahayan sa Quezon City kahapon ng hapon.

Ayon kay Sr./Supt. Manuel Manuel ng QC Fire Marshall nagsimula ang sunog dakong ala-una ng hapon sa bahay na pag-aari ng isang Luisito Venison sa No. 304-Purok 4, Luzon Avenue, Brgy. Culiat.

Dahil gawa sa mga light material ay na­ging mabilis ang pagkalat ng apoy sa mga katabing kabahayan nito.

Lumilitaw na galing ang apoy sa isang kuwarto ng bahay ni Ve­nison na inuupahan umano ni Joce­lyn Ledesma.

Ayon naman kay Sr./ Supt. Manuel, nagtagal lang ng isang oras ang sunog dahil dakong alas-2:10 ng hapon ay idineklara din itong fire out.

Wala naman nasawi o nasaktan sa nasabing sunog na umabot sa 3rd alarm subalit limampung pamilya ang nawalan ng matitirhan.