Nasa 25 na munisipalidad at isang siyudad ang dineklarang drug-cleared sa buong lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).
Ayon kay PPPO director P/Col. Redrico A. Maranan, ang mga munisipalidad na naideklarang malinis na sa droga ay ang Aguilar, Alcala, Anda, Bayambang, Bugallon, Burgos, Calasiao, Dasol, Labrador, Laoac, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Natividad, Rosales, San Manuel, Sison, Sta. Barbara, Sta. Maria, Tayug, Villasis, Urbiztondo at siyudad ng Alaminos.
Aniya, ang Sto. Tomas lamang ang nanatiling drug-free category.
Sa datos ng PPPO, sa 1,330 barangay sa Pangasinan, 1023 rito ang clear na sa illegal drug trade.
Ayon pa sa PPPO at PDEA, ang mga barangay naman na naitalang drug-affected ay ang Poblacion East sa Agno; Premicias sa Bautista; Bugayong sa Binalonan; San Vicente sa San Jacinto; San Jose sa San Nicolas at San Vicente sa Urdaneta City.
Ang munisipalidad ng Asingan, Balungao, Bani, Binmaley, Bolinao, Infanta, Manaoag, Pozorrubio, San Fabian, Sual, Umingan, and San Carlos City ay naghihintay pang maaprub ng regional sub-committee.
Ang Dagupan City at San Quintin ay inendorso na sa PDEA upang isailalim sa pagpapatunay ng provincial committee. (Allan Bergonia)