250 Filipino nurses wanted sa Germany

Nangangailangan ng 250 Filipino nurses ang ilang ospital sa Germany, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni POEA chief Leo Hans Cacdac na ang nangungunang bansa sa ekonomiya sa European Union ay nangangailangan ng mahigit sa 200,000 nurses sa loob ng apat na taon.

Paliwanag nito, mas pinipili ng mga ospital sa Germany ang mga Filipino nurses dahil sa pagiging magiliw nito at handang lumipat sa ibang oras ng trabaho.

Dagdag nito, handa ang mga German employers na sanayin ang mga Filipinos nurses ng German language na ang employers ng mga ito ang magbabayad.

Kasabay nito, nagbabala ang POEA sa mga aplikante na mag-ingat sa illegal recruiters at tanging sa ahensya lamang mag-apply.