251 entry sa RMC Anniversary Derby

Umabot na sa 251 entry at inaasahan pa ang mga bagong kasali sa pagpapatuloy ng RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby ngayong araw sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Dinumog ang RMC 5th elims round sa nakaraang Huwebes kung saan 87 sultada ang inilarga.

Sa mga iiskor ng tatlong panalo sa 3-cock elims mamaya, paghahatian ang P100,000 day prize.

“Participants may still catch the last elims round on March 12 or field straight five cocks on March 26,” pahayag kahapon ni RMC CEO Dennis Ligon.
“As earlier announced, the blockbuster event has a guaranteed prize of P4M for an entry fee of P11,000 and minimum bet of P5,500.”

Ang 2-cock final ay sa Mar. 19 para sa mga iiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 point na may P200,000 cash prize sa day champ at Vortex motorcycle na ira-raffle draw ay sa Mar. 19, at para naman sa 3 pointer sa Mar. 26.

Ang champion handler ay may P100,000 cash prize rin at sa gaffer ay P50,000.

Makakapag-cockhouse reservation sa RMC office sa 8519-7345, kay Shirley sa 0920-9509-090 at kay Tiling Capitan sa 0926-7134-069. (Enjel Manato)