Pinagmulta si New Orleans Pelicans forward Anthony Davis ng $25,000 dahil sa pakikipagtalo sa referee na naging daan para patalsikin sa laro sa naging laban ng tropa sa Minnesota, ayon sa NBA, Biyernes.
Nawalan ng kontrol si Davis mula sa 120-102 kabiguan ng Pelicans kontra Timberwolves sa balwarte ng New Orleans noong Miyerkoles.
Pinangunahan niya ang New Orleans sa pagsalpak ng 17 points nang tawagan siya ng offensive foul sa second quarter at patawan ng technical sa pakikipagdiskusyon sa referee kasama ang katropang si DeMarcus Cousins na hinila mula sa officials.
Sa sumunod na possession, tinawagang muli si Davis ng defensive foul at nakipag-argumento uli dahilan para sa isa pang technical at tuluyang na-eject.
Sinabi ni officiating crew chief Ken Mauer na dinisiplina si Davis sa pagbangga sa official at pagsambit ng “cursing, swearing, using foul language”.
Sa statement ni Kiki VanDeWeghe, ang NBA executive vice president of basketball operations, pinagmulta nila si Davis para sa “verbally abusing a game official and failing to leave the court in a timely manner following his ejection”.