265 Chinese sa dinampot sa Las Piñas POGO

Inaresto ng mga operatiba ang 265 Chinese national na sangkot umano sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Las Piñas City, Huwebes ng gabi, kahit epektibo pa rin ang enhanced community quarantine (ECQ).

Nakatanggap umano ng impormasyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) tungkol sa malaking bilang ng tao na nagtitipon-tipon sa isang hotel sa kabahaan ng Alabang-Zapote Road sa Brgy. Almanza Uno habang nagsasagawa ng POGO operation.

Nang makumpirma, dito na inareato ang mga suspek alas-9:00 ng gabi. Narekober sa mga suspek ang P6,463,490 cash, 143 foreign currency bill, sari-saring laptop, desktop computer, cellphone at iba pang gadget.

May 33 identification card ng mga Chinese suspect ang nasamsam rin ng mga awtoridad.

Dinala sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga suspek at ebidensya.

Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa RA 1132 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at Executive Order No. 112 of 2020.

Sa ilalim ng ECQ, pinagbabawal ang mass gathering upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.