2,666 pasahero, 1,045 crew naka-quarantine sa barko

Isinailalim ngayon sa quarantine ang tinatayang aabot sa 2,666 pasahero, 1,045 crew members ng Diamond Princess cruise ship sa Japan nang malamang may sakay ito na nasuring may sakit na novel coronavirus (nCoV).

Ayon sa Japanese, isang pasahero na nasuring may nCov ang nagtungo sa Tokyo at nagtagal ng ilang araw sa Princess Cruises ship dahilan upang i-lock down ang nasabing barko at isailalim sa ‘quarantine’ ang mga pasahero at crew nito.

Ang Diamond Princess na nakadaong sa baybayin ng Yokohama, ‘di kalayuan sa Japanese capital ay 14 araw na ikukulong.

Magsasagawa naman ang mga medical officials ng room-by-room upang suriin ang temperature at medical condition ng lahat ng sakay nito, ayon sa Japan’s health ministry. (Dolly Cabreza)