27 bilanggo sa Correctional, `itinapon’ sa Bilibid

Inilipat na sa New Bilibid Prison (NBP) ang may 27 preso mula sa Correctional Institute for Woman (CIW) na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nalaman sa Bureau of Corrections (BuCor) na 27 sa 51 preso na sinuri sa COVID-19 ang nagpositibo sa virus kaya dinala sa NBP quarantine area sa Site Harry.

Dito na umano bibigyan ng medikal na atensyon ang mga presong positibo sa virus na pawang asymptomatic para hindi na lumala ang kanilang sintomas.

Nabatid na ang gagamitin nilang mga folding bed at mattress ay donasyon ng Internatonal Committee for the Red Cross (ICRC) at siyang tumulong sa itinayong quarantine site sa NBP.

Samantala sinabi ng BuCor nanatiling COVID-19 free hanggang sa kasalukuyan ang iba pang Penal Prison sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)