Arestado ang 27 katao, habang dalawa naman ang nakatakas sa sunod-sunod na operasyon kontrol iligal na sugal sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija (NE) habang pinaiiral ang enhanced community quarantine.
Sa ulat na natanggap ni PCol. Leon Victor Rosete, NE police director, naaresto ang mga salarin habang naglalaro ng binggo, pusoy, tong-its at kuragan.
Alas-singko Linggo ng hapon nang mahuli sa Brgy. San Roque sina Yolly Macapulay, 48; Raprap Macapulay, 20; Analyn Cabico, 30; Richmond Bernard, 27; Fernando Tambadoc, 53 at Marife Valencia, 31, dahil umano sa pagbibinggo.
Sa Palayan City, naaresto ang mga nagpupusoy sa Brgy. Sapang Buho na sina Felicidad Nervesa, 56; Rosalie Dupra, 31; Gladys Gadjano, 50; Matty Estrillanes, 52 at nakilalang Romnick, 28.
Naaresto rin habang naglalaro ng pusoy sa Brgy. Catalanacan, sina Antonio Dela Cruz, 53; Raizel Dela Cruz, 18; Aeron Dela Cruz, 23; Jomari Dela Cruz. Dalawang iba pa ang nakatakas at nakilalang sina Alex Malang at Mark Anthony Sarmac.
Kuragan naman ang nilalaro ng mga nahuli sa Brgy. La Purisima, Aliaga, dakong alas-nuebe ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Marian Alfonzo, 29; Jason Sunga, 21 at Manny Lacap, 18, mga naninirahan sa nabanggit na lugar.
Nahuli naman ni PMaj. Jaime Ferrer na naglalaro ng tong its sa Brgy. San Rafael, Zaragoza, sina Juliet Rivera, 42; Sharmaine Gamboa, 26; Marilyn Gamboa, 58.
Sa Brgy. Buliran San Antonio nahuli sina Chedrick Mercado, 38; Jay Reyes, 39; Jayson Macasakit, 32; Lorena Santiago, 35; Marrieta Franco, 40 at Nicanor Cabrera, 54.
Pawang mga kasong paglabag sa PD 1602 ang isinampa sa mga naaresto sa Provincial Prosecutor’s Office sa Cabanatuan City. (Jojo De Guzman)