Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 5, ang 27 palaboy sa isinagawang rescue operation sa Kalaw Street hanggang sa Roxas Boulevard Service Road sa Maynila, Biyernes ng umaga.

Ang operasyon ay isinagawa bunsod ng banta ng coronavirus pandemic, sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PMaj. Rodel Borbe, commander ng Bocobo PCP sa 27 naaresto 12 ang lalaki, 10 ang babae at limang menor de edad na binatilyo.

Ang operasyon ay isinagawa base sa kautusan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa Maynila.

Dinala ang mga palaboy sa San Andres Complex para doon kalingain at isailalim sa swab testing. (Juliet de Loza-Cudia)