Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 27 riders at pedestrians ang namatay at 932 naman ang suga­tan na may kaugnayan sa aksidente sa pagbibisikleta sa mga lansangan ng Kalakhang Maynila.

Sa datos ng MMDA, simula noong Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon ay nasa 27 rider at pedestrians na ang namatay dahil lamang sa aksidente sa pagbibisikleta sa kalsada.

Sa nasabing bilang ng mga biktimang namatay walo sa kanila ay mula sa Quezon City, apat sa Valenzuela City, tatlo sa Parañaque City, dala­wa sa Caloocan City at tig-iisa sa Marikina, Mala­bon, Navotas, Las Piñas, Muntinlupa, Pasa­y at Taguig City.

Samantalang, nasa 932 naman katao ang sugatan sa aksidente pa rin sa pagbibisekleta.

Ang pinakamataas na bilang ng nasugatan ay sa Quezon City na nasa 141 bikers, sinundan ng 10 katao sa Pasig City at 99 sa Las Piñas City.

Ayon sa MMDA, sa 932 na sugatan sa pagbibisikleta, ang 128 dito ay pasahero at 44 dito ang pedestrians.

Kamakailan lang, isang isang bicycle rider ang napatay matapos pagbabarilin ng isang Philippine Army (PA) reservist matapos magkagitgitan sa traffic sa P. Casal St., Quiapo, Maynila.

One Response

  1. masaya ba kayo? Ayos ano? masunurin kuno ang mga riders sa batas trapiko, Anyare? walang papalag kasi pwedeng isisi sa sasakyang apat ang gulong o mahigit pa. Kaya mga riders, kunsitido kayo ng masa kasi mura na mabilis pa ang byahe..byaheng impyerno ba kamo? Singit pa boy rider…ayos ang estilo mo astig.