Sumampa na sa 27 drug pusher ang napatay ng Bulacan PNP habang umabot na sa 261 drug personalities ang nadakip ngayon lamang buwan ng Mayo sa patuloy na pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa droga sa Bulacan.
Base sa istatistikang nakalap ng Tonite, halos araw-araw ay mayroong napapaslang na shabu pusher sa Bulacan at hindi naman bumababa sa 10 drug pushers at nagsasagawa ng pot session ang nakokorner matapos na mas palakasin pa ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa droga na target na maging drug free zone ang probinsya ngayong 2017.
Ang Bulacan ang nangunguna sa buong Central Luzon kung accomplishment sa drugs at sa dami ng napapatay at nahuhuli ang pag-uusapan hindi pa kabilang dito ang biktima ng extrajudicial kilĀlings.