May 270,000 estudyante mula sa pampublikong paaralan, ang napagkalooban ng tig P500 ayuda ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.
Nabatid kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na natagalan ang pagkakaloob niya ng ayuda dahil sa kakaisip ng paraan kung papaano maipapaabot sa mga benipisyaryo nang hindi na pipila at magku-kumpol kumpol ang mga estudyante.
Kaya upang hindi ibigay ng manual ang ayuda ipinasiya ni Malapitan na makipag tie-up sa money remittance agency na USSC.
Nabatid na mula noong Mayo 16 ay may 200,000 transaksiyon na ang nagawa ng lokal na pamahalaan sa USSC.
Nabatid kay Malapitan na ang bentahe sa sistema na na adopt ng siyudad ay na update ang data base ng mga residente,nakapag set uo ng audit trail compliant sa pagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Commission on Audit(COA) guidelines.
Samantala,ipinaliwanag naman ni USSC President ,nakita niya ang problema ng mga residente Caloocan City ngayon panahon ng quarantine kung saan hindi sila puwedeng lumayo,kaya nakipagtrabaho sila sa team ng alkalde sa pag-develop ng hybrid solution para sa pagpapamahagi ng ayuda sa mga residente gamit ang money remittance sa data base technology.
Para mabawasan ang paghihintay nagpapadala umano ng text ,ang USSC sa kada benifiçiary kung anonh oras nila maaring makuha ang kanilanh ayuda at kung saan sangay.
Sa halip na manual form,kinukunan na lamang ng larawan ang benificiary at ang kanilang electronic signature para mai-store ang data at mabilis na mahanap at para sa susunod na pangangailangan ay hindi na kailangan na mag-store ng data.(Juliet de Loza-Cudia)