272 COVID case sa isang araw

Umakyat na sa 1, 075 ang bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019(COVID-19) matapos madagdagan ng may 272 bagong kaso hanggang kahapon ng alas- 4:00 ng hapon sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) Bulletin no.14, umakyat naman sa 68 ang nasawi sa sakit matapos na madahdagan ng 14 ang bilang ng mga namatay.

Habang nadagdagan naman ng 4,ang bilang ng gumaling sa sakit na nasa 35 na sina PHs 163,19,235 at 11.

Binigyan ng DOH ng pagkakilanlan ng mga bagong kaso bilang PH 804-PH 1,075.

Nabatid na ang mga nasawi naman sina PHs 382,648,391,522,730,676,677,393,729,731,604,277,635 at 581.

Inaasahan ng DOH na mas tataas pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus dahil nagiging mabilis na ang pagsusuri dahil sa mga dumating na mga testing kit.