Tinamaan ng fish kill ang may 90,000 ektaryang Laguna de Bay.
Ang naturang lawa ang pangunahing pinagkukunan ng freshwater fish ng Metro Manila.
Ayon sa Laguna Lake Development Authority noong Martes, nasa 275 na tonelada o 275,000 kilo ng tilapia at karpa ang namatay sa fish kill na nagsimula noong nakaraang buwan.
Umaabot ang halaga ng nawalang isda sa P11.5 milyon.
Nag-report din ng fish kill ang mga fish pen owner sa Talim sa Binangonan, Rizal kung saan daan-daang tilapia ang nakitang palutang-lutang na sa katubigan. (IS)