By Vick Aquino

Nababahala ngayon ang mga residente ng bayan ng Mabinay sa Negros Oriental sa pag-atake ng mga peste o armyworm na pumupuksa ng mga pananim na mais, asukal at palayan.

Ayon sa report ng Mabinay local government unit (LGU) sa Negros Oriental, inilagay na sa state of calamity ang may 28 barangay sa mabundok na bayan ng Mabinay dahil sa pag-atake ng mga armyworm na ikinasira ng mga pananim at lubhang naapektuhan ang mga residente.

Ayon naman kay Mabinay Mayor Ernesto Uy, umabot na sa alarming point ang pag-atake ng mga uod kaya isinailalim na sa state of calamity ang 28 na bayan nito.