Umaabot sa 29 katao na hinihinalang mga kasapi ng Abu Sayyaf Group ang inaresto ng tropa ng pamahalaan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Col. Cirilito Sobejana, head ng Joint Task Force Sulu, naaresto ng mga sundalo at pulis ang mga kasapi ng Ajang-ajang group na konektado rin sa ASG noong Hunyo 20 ng madaling-araw.

Apat sa mga dinakip ay positibong kinilalang responsable sa kidnapping-for-ransom ng isang Denery Tan noong Hunyo 16, 2017 at pamemera at pagpatay sa isang Lydia Julkana noong May 30, 2017.

“Appropriate charges were already filed against them. The case is being handled by Sulu PNP,” pahayag ni Sobejana.