Nang kami’y nasa Macedonia, hindi rin kami napahinga: panay hirap ang aming naranasan, labanan sa kabi-kabila, at sindak ang aming kalooban. Ngunit ang mga nahahapis ay hindi pinababayaan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito. At hindi lamang ang pagdating niya ang nakakaaliw sa akin kundi ang kabutihang ginawa ninyo sa kanya. Ibinalita niya ang inyong pananabik sa akin, ang inyong kalungkutan at pagmamalasakit, kaya’t lalo akong nagalak.