Mga laro ngayon:
(Sta. Rosa Multi-Purpose Complex)
4:30pm — Blackwater vs. NLEX
6:45 pm — Alaska vs. SMB

PAGKATAPOS ng matagal-tagal na panahon na pagtitimon ni coach Leo Austria sa San Miguel, nakuha rin ng Beermen ang panalo sa isang PBA conference pagkatapos magkampeon sa sinundang torneo.

Sa tono ‘yun ng 130-119 win sa Phoenix sa pag-uumpisa ng kampanya sa PBA Governors Cup noong Miyerkoles.

Dadayo ng Sta. Rosa, Laguna ang SMB para sundan ang panalo laban naman sa 0-2 Alaska sa second game mamaya.

“Maybe because our participation in the (East Asia) Terrific 12 helped us a lot,” lahad ni Austria tungkol sa fourth-place finish sa Macau tournament bago ang season-ending tourney ng PBA.

“Nagkaroon ng a lot of experience, dala-dala namin dito. And of course, the team really wants to win.” (VE)