1 kahig, 1 tuka
Finals Game 5 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — SMB vs. Magnolia
(Series tied 2-2)
Sa takbo ng PBA Philippine Cup Finals, opensa kontra depensa pa rin ang istorya.
Hindi gumana ang D ng Magnolia sa Game 5, umatake naman nang todo ang San Miguel.
Resulta, 114-98 victory ng Beermen na nagbuhol sa series sa tigalawang laro.
“Hindi talaga kami p’wedeng makipagsabayan sa kanila sa opensa,” bulalas ni Hotshots coach Chito Victolero. “It’s a matter of defensive mindset na hindi namin nadala last time.”
Kinain sila ng buo ng bagong koronang Best Player of the Conference na si June Mar Fajardo, near-perfect 13 of 14 sa field tungo sa 31 points, may sahog pang 14 rebounds.
Sa kabuuan, 43 of 83 (51%) ang San Miguel sa field, nangolekta ng 56 points mula sa paint. Nakaungos din sa rebounds, 53-46.
Sa kabila, 37 of 92 ang Magnolia, may 38 points sa loob.
Humugot si Victolero ng tig-22 points kina Mark Barroca at Jio Jalalon, may 19 points at 11 rebounds si Ian Sangalang.
Kagandahan para sa Hotshots, mahaba pa ang serye pero importante ang Game 5 mamaya sa Smart Araneta Coliseum ulit. Unahan sa panalo sa seryeng nauwi na sa best-of-three.
“Maganda lang dito, tied ‘yung series and ‘yung Friday game is pivotal,” positibong pananaw ni Victolero. “We need to prepare hard for that.” (Vladi Eduarte)