3.8 magnitude tumama sa Davao Oriental

Isang 3.8 magnitude quake ang tumama kahapon sa Davao Oriental.

Sa datos na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naramdaman sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental alas-2:30 ng hapon.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 15km.

Walang inaasa­hang mga aftershock sa naganap na pagyanig. (Tina Mendoza)