HAVEY: Igagawad ng Young Critics Circle Film Desk ang kanilang 26th annual citations for the best of Philippine cinema bukas, September 15 at 3:00 PM sa University of the Philippines Jorge B. Vargas Museum.

Tatanggapin ni Ralston Jover ang Best Film and Best Screenplay honors para sa Da Dog Show.

Ang lead actor ng pelikula na si Lou Veloso, ang gagawaran ng Best Performance award.

Other winners include Lawrence Ang for Best Editing (Salvage), the cinematography and production design team of Balikba­yan No. 1 for Best Cinematography and Visual Design, the sound and music team of Balikbayan No. 1 for Best Sound and Aural Orchestration, and the directors of the Best First Feature award: Carlo Enciso Catu (Ari: My Life with a King), Bor Ocampo (Dayang Asu), and Ara Chawdhury (Miss Bulalacao).

May forum usually ­pagkatapos ng awarding para may interaction ang mga taga-industriya at taga-aka­demiya. Magandang ma­laman kung ano ang ­relevance ng ganitong awards gayung ‘yung mga nabibigyan ng awards ay bihira at mahirap nang makabawi sa mga nagastos nila.

***

WALEY: Sa isang umpukan, usap-usapan ang mga ilong ng mga babaeng artista at nahahalata na paliit nang paliit ang mga butas.

Isa na ang isang in demand na sexy at wacky actress na nagbi­bida na sa tele­serye at pelikula na parang bago nang bago ang itsura tuwing makikita siya.

It works to the advantage of this star na game siyang mag-ekspe­rimento sa kanyang itsura, pero sana game din ang audience na tanggapin siyang ganu’n.

Isa pang nakakagulat at paliit nang paliit ang ilong ay ang isang artistang nagpalipat-lipat na ng network at nagbibida na rin sa sarili nitong pelikula.

Magaling naman siyang aktres kaya muk­hang may future siya sa larangan ng pag-arte.

Pero iba ang punchline ng reporters sa isang artistang on the family way.

Ang sabi ko nga ay natural lang na lumobo ang ilong ng isang buntis.

Ang sabi ng kasama­hang reporter ay baka mahirapang lumabas ang hangin sa ilong ng artistang ito dahil ­lumiit din ang butas ng ilong nito.

Sa totoo lang, ­hindi ko napansin ito. Ang ino­sente kong tanong, bakit, nagpaayos din ba ng ilong ang mabait na buntis na artistang ito?

Eh ano naman nga­yon? Basta sana, may tamang hangin at safe siya at ang anak niya pag­labas, di ba?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.