3 baby sa Davao tinaman ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong sanggol mula sa Davao City.

Noong May 5 ay dalawang sanggol mula sa Bunawan ang tinamaan ng virus, isa dito ay 4-month old na may komplikasyon pa sa puso.

Habang ang isa naman ay anim na araw pa lang na isinisilang at pinakabatang COVID-19 patient sa buong rehiyon ng Davao.

Ang pinakabagong kaso ng sanggol ay naitala nang magpositiboang isang 2-month old na sanggol mula sa Brgy. Mabuhay.

Pinanganak ito sa Southern Philippines Medical Center kung saan nanatili ito sa nasabing ospital ng dalawang buwan dahil inoperahan dahil sa ilang komplikasyon pagkapanganak.

Sinugod muli ito sa ospital noong May 2 dahil sa pneumonia at dito na nagpositibo sa virus.