Swak sa kalaboso ang isang lalaki matapos na molestiyahin ang tatlong batang babaeng magkakalaro at pasukan pa ng barya ang kanilang mga ari at kinunan ng video sa Caloocan City kahapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), kahapon umano ng umaga nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng mga biktimang itinago sa mga pangalang Nory, 10, Penny, 6 at Roxy, 4, upang ireklamo ang umano’y kahayupan ng suspek na nakilalang si Rolan Macauyam, 27-anyos, binata ng Purok V, Kawal, Barangay 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, kung hindi pa nanakit ang ari ni Penny habang pinapali­guan ng kanyang ina ay hindi pa sana nito maikukwento ang nangyari sa kanila nina Nory at Roxy.

Base sa kwento ng mga biktima, araw umano ng Miyerkules ng hapon nakaraang linggo nang maganap ang insidente sa bahay mismo ng suspek.

Naglalaro umano noon ang mga biktima sa loob ng bahay ng suspek na tiyuhin ni Roxy nang lapitan sila at papasukin sa kanyang silid.

Doon na umano isa-isang pinaglaruan ng suspek ang kanilang mga ari kung saan ay pinasukan pa umano ng piso ng suspek ang kanilang mga ari habang kinukunan umano ng video ang mga paslit.

Dahil wala pang mga kamuwang-muwang at takot rin ang mga biktima sa suspek ay hindi nila ito naikwento agad sa kani-kanilang mga magulang hanggang sa ihayag ni Penny sa kanyang ina nang manakit ang kaselanan.

Kasunod ng pagkakadiskubre sa pangyayari ay inireklamo ng isa sa ina ng biktima ang suspek at inaresto.

Nasa kustodiya ito ngayon ng Caloocan City detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti Rape Law in relation to RA 7610 o Special Protection Against Child in abuse, Exploitation and Discrimination Act.

One Response