Sugatan ang tatlo katao matapos na bigla na lang mamaril ang isang lasing na lalaki sa gitna ng sayawan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Daraga, Albay.
Kasalukuyang ginagamot sa pagamutan sanhi ng mga tama sa katawan ang mga biktimang nakilalang sina Bernardo Lisay, 61; Eunice Alejo, 44; at Reymar Mesola, 24, pawang mga residente ng nabatid na bayan.
Samantala patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya para sa posibleng pagdakip ng suspek na nakilalang si Jomar Lodor, 27, na agad tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon kay Chief Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi habang nasa kainitan ng sayawan sa Purok 1 Barangay Tabon-Tabon ng bayang ito dahil sa piyesta sa lugar.