Isa na namang senatoriable ang ibinahagi ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi makakatikim ng kanyang boto sa dara­ting na eleksyon.

Ang kandidatong ito sa pagka-sendor, ayon sa twitter post ni Lacson nitong Lunes ay walang ideya na pinangungunahan nito ang lista­han ng kanyang mga kina­popootang kandidato.

Nakakalibang naman din, ayon kay Lacson kung pakikinggan ang mga tirada ng kanyang hate na senatoribale pero hindi aniya ito ang kandidatong nararapat na piliin sa balota.

Ito umano ang basehan ni Lacson kung bakit hindi niya iboboto ang kandidatong ito na hindi naman niya pinangalanan sa kanyang tweet na pangatlo sa mga pinakawalang blind item ng senador.

“Candidates who won’t get my vote – Candidate No. 3: He has an acerbic tongue. When he dishes out his hate trait list, he has no clue he tops that list. He sounds entertaining sometimes but not electable at all,” ayon sa tweet ni Lacson.