3 cash aid beneficiary arestado sa pagsusugal

Kalaboso ang tatlong tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahlaan dahil sa pagsusugal at paglabag diumano sa social distancing sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa.

Huli ang dalawang magkamag-anak na benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) at isang 4Ps beneficiary dahil sa pagsusugal umano gamit ang baraha sa labas ng kanilang tahanan.

Kinilala ang mga ito na sina Delma Eulogio, 48; Genalyn Andrade, 37; at Jay Cipriano, 34 na residente ng nasabing lugar.

Kinasa ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa aktibidad sa lugar.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Law.