Bumagsak sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Chinese national na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug operation sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa naaresto ng Anti-Illegal Drugs Division ng NBI si Shenghua Zang, nasa hustong edad at nakatira sa Attaco Building na matatagpuan sa Sto. Cristo St., Binondo.
Kasama rin sa naaresto ang dalawa pang Chinese national na hindi nakuha ang mga pangalan dahil hindi marunong magsalita ng Ingles.
Isinagawa ang drug operation dakong alas-nuwebe ng gabi kung saan nasamsam din umano sa bahay ni Zang ang 10 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Nabatid na nakakuha umano ng impormasyon ang NBI na nagbebenta ng shabu si Zang kaya ikinasa ang operasyon.
Kasalukuyang nakakulong sa NBI headquarters sa Maynila ang tatlong Chinese at isasailalim sa masusing interogasyon.
Dapat iyang mga tsekwa na iyan ang tinutodas,kunwari lumaban, sila ang mga tunay na salot sa ating bansa.