3 Chinese timbog sa kidnapping ng Malaysian

Arestado ang tatlong Chinese na sangkot sa kidnapping ng isang Malaysian na kanilang ikinulong sa isang condo unit sa Taft Avenue, Pasay City Sabado ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong sa illegal detention at extortion ang mga suspek na kinilalang sina sina Wenlong Zhou, 32, turista; Li Ji Qing, 36, nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO); at Xin Xiaoming, 34.

Inaresto ang mga suspek bandang alas-nuwebe Sabado ng gabi sa Unit 2318 ng Avida Tower matapos makatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng Sen. Gil Puyat Police Community Precinct hinggil sa insidente.

Agad na kumilos ang mga operatiba ng Pasay City Police at nasagip ang biktimang si Steven Lai, 26, tourist at tumutuloy sa naturang condo.

Kasabay ng pagkaka-rescue sa biktima ay nasakote rin ang tatlong Chinese na mga nakakulong na ngayon sa Pasay City Police Station. (Vick Aquino)