3 dedo sa Pangasinan motorcycle accident

ROSALES, Pangasinan — Namatay ang tatlong magpipinsan matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang van sa bahagi ng Brgy. Balingcanaway ng bayang ito kamakalawa.

Ayon sa report ng mga awtoridad dito, binabagtas ng mga biktima na nakilalang sina Mark Anthony Gorospe, 34-anyos, Eugene Gorospe at Jonathan Ricomano na kapwa 17-anyos ang kahabaan ng nasabing lugar nang biglang makasalubong ang isang nag-overtake na van na minamaneho ng hindi pa pinangalanang suspek.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.