Tatlong kalalakihan na sangkot umano sa droga ang napatay makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Plaridel, Bulacan ­kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Christopher Placio, Roberto Patino at isang alyas ‘Emong’, mga residente ng Barangay Poblacion at Banga 1st Plaridel na pawang namatay bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang tatlong biktima ay nagsusugal ng cara y cruz sa gilid ng kalsada nang daanan sila ng dalawang naka-motor at saka pinagbabaril.

Narekober ng SOCO team ng mga basyo galing sa cal. 45 at isang plastic sachet ng ­shabu samantalang blangko pa rin ang ­awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga salarin.