Kalaboso ang tatlong estudyante, kabilang ang isang menor de edad, matapos makuhanan ng aabot sa P2.4 milyong shabu sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina John Peppard Añalucas Beltran, 21, Mhar Abarri, 21, at isang 16-anyos, na pawang mga estudyante ng iba’t ibang unibersidad sa lalawigan.
Nadakip ang tatlo makaraang magpositibo sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Pusok, alas-5:50 Linggo nang hapon. Nakuha sa mga suspek ang 350 gramo ng shabu na tinatayang may street value na P2.38 milyon at P3,000 cash mula sa mga suspek.