Tatlong executives na hindi sumunod sa pagbabayad ng mandatory GSIS (Government Service Insurance System) premium contributions ang hinatulang makulong ng Sandiganbayan ng anim hanggang 10 taon dahil sa kasong graft at hindi pagtalima sa GSIS Act, ayon sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa magkahiwalay na desisyon ng Ombudsman na ipinalabas ng Sandiganbayan ay napatunayang guilty sina dating Lantawan Basilan Mayor Tahira Ismael at ang Municipal Treasurer nito na si Aida Ajijon.

Sa rekord lumitaw na hindi nag-remit ng GSIS contributions para sa kanilang kawani  ang lokal na munisipalidad mula 2001 hanggang 2003 na aabot sa P3,118,005.07.

Sa hiwalay na desisyon ay pinagmumulta ng kabuuang P245,000 ng Sandiganbayan si dating ­Philippine National Railways (PNR) General Ma­nager Jose Sarasola II matapos itong umaming guilty sa hindi pagre-remit ng GSIS contributions ng isang Benjamin Guinto mula June 2000 hanggang May 2004 na aabot sa P52,632.28.