3 gang nag-riot sa ihi, 2 patay

Dahil lamang sa natapong tubig na inakalang ihi, nagkagirian ang grupo­ ng ‘Bahala Na Gang’, ‘Batang City Jail’ at ‘Sputnik Gang’ na ikinamatay ng isang preso na nagtamo ng saksak haban­g ang isa naman ay dahil nabangungot sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report na natanggap ni Quezo­n City Jail, (QCJ) Jail Warden Supt. Ermilito Moral­, alas-kuwatro ng madaling-­araw nang magkaroon ng riot sa loob ng piitan na kagagawan ng mga nasabing gang.

Kinumpirma ng jail warden na namatay na sa ospital ang isang preso na nakilalang si Hermano­ Alfredo, miyembro ng Sputnik gang, habang namatay naman ang sinasabing binangungot na si Edmundo Domondon­, miyembro ng Bahala Na Gang.

Ayon kay Moral, nagsimula ang riot makaraan­g aksidenteng matabig ng miyembro ng Bahala Na Gang ang timba na may lamang tubig at mabuhusan ang natutulog na miyembro ng Batang City Jail na inakala namang ihi at sadyang itinapon sa kanya.

Kinomporonta ng nata­punang preso ang kapw­a niya inmate na nasa kabilang gang na nauwi sa mainitang pagtatalo at nakialam na rin ang kani-kanilang mga miyembro at nagbatuha­n ng mga kahoy, bato, at upuan.

Nakarating ang ingay sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa ilalim ni P/Supt. Christian de la Cruz kaya agad silang rumespond­e sa kulunga­n kasama ang QCPD-Special Weapons and Tactics (SWAT) team at Bureau of Jail Managemen­t and Penolog­y Special Tactics and Response (BJMP-STAR) team upang payapai­n ang kaguluhan.
Tumagal din ng mahigpi­t isang oras ang riot bago tuluyang naawat ng pulisya.

Depensa ng Bahala Na Gang sa akusa, aksidente­ ang pagkakatabig sa balde ng tubig dahil nagmamadali ang kasamaha­n nila na dumulog sa mga banta­y dahil binabangu­ngot umano ang isa pa nilang miyembro.

Nagkaroon ng clearing operation matapos ang insidente at kinausap naman ni Quezon City Jail warden Moral ang lider ng parehong grupo, at inayo­s na magkasundo.

Nagkaayos din sa huli ang dalawang grupo at inamin­g isang hindi pagkakaunawaan lamang ang pinagsimulan ng gulo.

Kahapon ay muling nagsagawa ng ‘Oplan Greyhound’ ang mga tauhan ng QC jail sa pamumuno ni Moral upang matiyak na walang mga patalim sa mga selda ng mga preso.