Tatlong hinihinalang ‘drug pusher at holdaper’ ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang unang biktima ay si Dionard Perenia, 35 na nakatira sa ROTC Daang Putol, Rosario Pasig City na binaril habang nakatayo sa harap ng kanilang tahanan dakong alas-10:30 ng gabi, sumunod ay alas-11:30 ng gabi sa Westbound lane ng Ortigas Extension, Pasig City ay nabaril si Jun Art Penia, 31, na namatay dahil sa maraming tama ng bala at ikatlo ay si Erik Sabino na nabaril alas-12:30 ng madaling-araw sa Dr. Sixto Antonio Ave. corner Col. Licsi St., Brgy. Caniogan, Pasig City. .