3 lalaki huli sa pekeng ID at bala

arrest

PALAYAN CITY, Nueva Ecija — Mga baril at samot-saring mga bala at pekeng ID ng Interpol ang mga nakumpiska mula sa tatlong lalaki noong Huwebes ng umaga sa Hilltop, Brgy. Marcos Village, sa lungsod na ito.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding­, OIC – NE provincial director, nakilala ang mga naaresto na sina Jessie Reyes de Guzman, 46-anyos, ng Purok 6, Brgy. Curva, Bongabon at kapatid nitong si Rustico, 41-anyos, at si Bryan Carbonell Cabanlong, 21-anyos, ng Brgy. Pias, Villasis, Pangasinan.

Nabatid na dala ng tropa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Nueva Ecija sa pamumuno ni P/Chief Insp. Francis Aldrich Garcia kasama ang Provincial Public Safety Command at city police sa ilalim ni P/Chief Insp. Arnel Santiago­ ang search warrant na inisyu ni Judge Ana Marie C Joson-Viterbo, executiv­e judge ng RTC, 3rd Judicia­l Region, Cabanatuan City.

Mga nakumpiska sa tahanan ni De Guzman ang isang M16 baby armalite­, 4 magazine, 49 bala para sa M16, 37 bala para sa cal. 9mm at pekeng ID nito sa International Police na may ranggong Brig. General.

Mula kay Rustico ay nakumpiska ang isang homemade 12 gauge shotgun na may magazine na naglalaman ng 5 bala. Kay Cabanlong ay nakakuha ng 2 magazine para sa cal. 556 M16 na may 38 bala para sa M16.

Ang grupo na tinagurian­g ‘De Guzman Group’ay kinasuhan ng paglabag sa Rep. Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.