3 lalaki pinasok sa bahay, pinagbabaril

Niratrat ng mga hindi pa nakikilang salarin ang tatlong lalaki sa loob ng bahay nito sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section, ang mga biktimang sina Ronald Lim, 34, miyembro ng Sputnik Gang; Nasser ­Madam, 27; at Ismael Kawi, 40, pawang residente ng Blk.15-A Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Rodel Benitez, alas-7:40 ng gabi nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang ilang kapitbahay ng tatlo.
Agad umanong pinuntahan ng mga residente ang pinagmulan ng mga putok at dito nakitang nakahandusay na si Lim sa pinto habang ang dalawa ay nasa ikalawang palapag ng bahay at pawang naliligo na sa sariling dugo.

Kapwa may mga tama ng bala sa ulo at katawan ang mga biktima.

Patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at inaalam na kung may kaugnayan sa onsehan o kompetisyon sa droga ang motibo sa pagpaslang.

Dinala ang mga bangkay sa Arcanghel Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya, habang patuloy na ina­alam ang tunay na moti­bo ng pagpatay. (Juliet de Loza-Cudia)