Tatlong lugar sa Mindanao ang bagong target na lusubin ng mga grupong konektado sa terror group Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ayon sa impormasyong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador at kongresista nitong Martes ng gabi.
Hindi naman binanggit ni Pangulong Duterte ang tatlong lugar na maaaring salakayin ng ISIS group, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.
“Kung tatlong panibagong threat, bigger than Marawi. Again I say walang detalye na binigay,” wika ni Lacson.
Dahil sa pangambang ito, sinabi ng chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na handang tumulong ang Senado para magkaroon ng karagdagang puwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).